-- Advertisements --
image 75

Patuloy nang iniimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaharang sa apat na arabs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tinangka umano ng human trafficking syndicate na ipuslit ang family of four Arab nationals patungong United Kingdom.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ng apat na pasahero at kinabibilangan ang ina at tatlo nitong anak.

Naharang ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos tangkailng sumakay sa Cathay Pacific flight patungong Hongkong.

Pagkatapos nito ay doon na ulit sasakay ang mga banyaga ng fligth patungong Unitedd Kingdom.

Ani Tansingco, nagprisinta raw ang naturang mga banyaga ng Seychelles passports sa airline at sa immigration officer.

Agad namang pinagdudahan ng mga officers ang authenticity ng kanilang travel documents.

Lumalabas naman sa examination na isinagawa ng Bureau of Immigration forensic documents laboratory na peke ang kanilang mga pasaporte.

Naniniwala naman si Tansingco na ang tangkang human trafficking ay ang pagsisikap ng mga international syndicate na gamitin ang Manila bilang transit o jump-off point para sa mga biktima.

Ayon naman kay BI port operations chief Atty. Carlos Capulong, ang mga pasahero ay dumating sa Manila noong November 6 at nanirahan dito ng dalawang linggo bago mag-book ng kanilang outbound flight.