-- Advertisements --
image 132

Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang online visa extension para sa mga turistang nais munang manatili sa bansa sa maiksing panahon.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval, ang naturang online visa waiver project ay nakatakdang ilunsad ngayong buwan.

Paliwanag ni Sandoval, ang mga turistang pupunta dito sa Pilipinas na nais ma-extend ang kanilang pananatili sa bansa ng 30 araw ay puwede nila itong isagawa sa pamamagitan ng online.

Samantala, pinangunahan naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang week-long year-end celebration ng naturang ahensiya mula Disyembre 5 hanggang 9.

Tinalakay naman nito ang ilang plano at proyekto na magpapaganda sa serbisyo ng bureau.

Kabilang na rito ang introduction ng electronic transactions at bayad ng immigration applications at ang eTravel system na joint project ng iba’t ibang border management agencies.