-- Advertisements --
cropped Bureau of Customs

Nagsagawa na raw ang Bureau of Customs (BoC) at Department of Agriculture (DA) ng serye ng pagpupulong at dayalogo para mapalalim at mapatibay pa ang kanilang pagsisikap na masugpo ang iligal na trading ng agricultural products.

Ayon kay Bureau of Customs Spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., ang kanilang pagpupulong ay para sa validaton at clarification sa mga permit na inisyu ng Department of Agriculture.

Sa panig naman ng Bureau of Customs, tinalakay din ang mga listahan ng mga consignee at sa stage ng accreditation na mayroon na raw silang koordinasyon sa Department of Agriculture.

Maliban dito, sinabi ni Dela Torre na pinalakas na rin daw nila ang intelligence at enforcement capabilities pagdating sa pagpo-profile para suportahan ang risk management ng ahensiya.

Aniya, mas maayos na raw ang pagpapatupad ng mga ito sa kasalukuyang administrasyon.

Nagbigay na rin daw ang Agriculture department ng mga focal persons para mas mabilis na ma-validate ang naisyung mga permits.

Dagdag ni Dela Torre, bukod sa online verification, mayroon din umanong personal na pagtawag at koordinasyon ng bawat ahensiya.

Mas maayos na raw ang kanilang sistema sa ngayon para sa sigurado ang pagkakahuli ng mga nagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura.

Siniguro rin ni Dela Torre na agad silang mag-iisyu ng warrant of seizure and detention para sa mga agricultural products na walang permit.