
Nagpahayag ng pag-asa si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang Jr. na ang uri ng Alcatraz na kulungan sa Pilipinas para sa mga karumal-dumal na krimen ay matatapos sa 2028.
Ayon kay Catapang, nagsimula ito ngayong taon at sa tulong ng mga kinauukulang ahensya ay inaasahan itong matatapos ang sa unang bahagi ng 2028.
Ang Alcatraz Penitentiary, na kilala rin bilang “The Rock”, ay isang maximum-security na bilangguan sa isang isla sa San Francisco Bay, California.
Sinabi ng opisyal, ang version ng Pilipinas para sa nasabing bilangguan ay magiging “up in the mountains” sa Sablayan, Mindoro.
Aniya, walang cell sites, walang road net o iisang road net lang kung saa dadalhin ang indibidwal.
Dagdag pa dito, hinahangad niyang isara ang New Bilibid Prison sa 2028, na maglilipat ng 30,000 katao na Person Deprived of Liberty o PDL sa iba’t ibang regional prisons at penal farm.
Plano rin ng BuCor na ilipat ang 7,500 person deprived of Liberty mula sa New Bilibid Prison ngayong taon.
Nauna nang sinabi ng BuCor chief na nais niyang gawing “Global City” ang punong tanggapan ng BuCor sa Muntinlupa.










