-- Advertisements --
(2nd Update) Idineklara nang fire out ang sumiklab na sunog sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa nasabing sunog, apat ang nasawi na kinabibilangan ng buntis at isang bata.
Ayon kay Fire S/Insp. Bacoco, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula bandang alas-9:45 ng umaga at naapula pagsapit ng alas-10:26 ng umaga.
Sa ngayon, patuloy ang assessment ng Philippine Red Cross (PRC)-Manila Chapter habang ang emergency medical service team ay nagbibigay ng paunang lunas sa mga pasyenteng naapektuhan ng sunog.
Nagpadala na rin ang PRC ng ambulansiya at fire truck sa pinangyarihan ng sunog.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.