-- Advertisements --

Hinimok ni Senate President Vicente Sotto III ang gobyerno na bumuo na ng inter-agency body para magbigay ng update sa publiko tungkol sa medical status ng Wuhan novel coronavirus (nCoV) at mga aksyon ng pamahalaan para ma-control ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Sotto, dapat magkaroon ng “easy access” ang taongbayan ukol sa kanilang clinical concerns at travel restrictions, maging ang market conditions, economic impacts, tourism-related announcements at iba pa.

“Mabuting magkaroon ng isang information agency kung saan lahat ng datos na kailangan ng mamamayan ay madali nilang ma-a-access. Abala ang ating mga health officials sa pag-control ng pagkalat ng nCoV. Mas makakabuti kung hahayaan natin silang mag-concentrate sa medical concerns ng mga pasyente,” wika ni Sotto.

Sa pamamagitan umano nito ay mababawasan ang pagkalat ng “fake news.”

Ang inter-agency body ay kapapalooban ng mga kinatawan mula sa DoH, DTI, DOF at DOT.