Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagtaas ng bilang ng volcanic earthquakes sa Taal sa nakalipas na 24-hour monitoring.
Iniulat ng Phivolcs ang 79 na pagyanig ng bulkan na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto, na higit pa sa 11 lindol noong nakaraang mga araw.
Nabanggit din ng ahensya na ang sulfur dioxide (SO2) emission ay may average na 7,084 tonelada bawat araw noong dahil sa patuloy na pagtaas ng mainit na volcanic fluid sa pangunahing crater lake ng Taal.
Dagdag pa dito, isang 900-meter plume ang namataan mula sa Taal Volcano.
Binalaan ng Phivolcs ang publiko laban sa mga posibleng panganib na maaaring mangyari kabilang ang steam-driven o phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang nasa ilalim pa rin ito ng “low-level unrest.”