-- Advertisements --

Kalkulado ang red-tagging laban sa ilang mga kongresista at artista upang makakuha ng mas maraming pondo para sa kampanya ng militar kontra mga sinasabing insurgents at terorista, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

Sinabi ni Lagman na tila walang humpay ang red-tagging ng ilang opisyal ng pamahalaan upang sa gayon mabigyan ng justification ang retention ng malaking pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagkakahalaga ng halos-P20 billion, na tinaguriang “military” pork barrel.

Maihahambing aniya ang hakbang na ito sa “budgetary Hucks” noong 1950s at 1960s para bigyan ng dagdag na pondo ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon.

“After the end of World War II, the Huks fought for socio-economic reforms, including the emancipation of landless farmers, and were tagged as communists,” ani Lagman.

‘Budgetary red-tagging’ now coincides with the Congress’ crafting and approving the 2021 General Appropriations Act,” dagdag pa nito.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na “communists” ang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara.

Mariing itinanggi naman ito ng grupo, sa pagsasabi na palabas lamang ng pamahalaan ang red-tagging para itago ang incompetence nito.