-- Advertisements --

Nakiusap ang ang apat na miyembro ng Korean group na BTS sa kanilang fans na huwag silang istorbohin kapag nagsimula na ang kanilang mandatory military duty.

Ayon kina RM, V, Jimin at Jung Kook, na hindi na dapat magpunta ang mga fans sa mga army camps kung saan sila magsasanay.

Sa inilabas nilang video na nakakaistorbo sa ilang mga kadete kung sakaling lumusob ang kanilang fans sa kampo.

Inaasahan na sa susunod na linggo magsisimula ang kanilang army training.

Magugunitang nauna ng sumailalim sa pagsasanay ang tatlong miyembro ng grupo.

Nasa batas kasi ng Korea na ang mga lalaking may edad 28 ay dapat pumasok sa military training ng 18 buwan.