-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga fans ng BTS matapos na mapili ang isang miyembro nito na si Suga na maging cover ng Vogue Japan sa August edition nito.

Ang South Korean rapper na kilala bilang si Agust D ay siyang unang male cover sa 24-taong kasaysayan ng magazine.

Makikita sa magazine na nakasuot siya ng itim na blazer at shorts na may puting tank top.

Bago nito ay lumabas na rin si Suga sa cover ng Marie Claire Korea noong May 2023 edition.