-- Advertisements --

Sinimulan na nina BTS member RM at V ang kanilang mandatory military service.

Pumasok ang dalawa sa Army Training center sa Nonsan, South Chungcheong Province.

Si V ay nagboluntaryo na manilbihan sa 35th Special Mission Batallion isang special duty team na mangunguna sa pagtanggol sa Seoul.

Una ng nagpaalam sa kanilang fans sa pamamagitan ng social media sina RM at V kung saan ipinakita pa ang bagong gupit na buhok nila.

Susunod naman na papasok ngayong linggo rin ang dalawa pang BTS member na sina Jimin at Jungkook.