-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta si BTS member Jungkook.

Ayon sa kaniyang agency na ang kanta ay pinamagatang “3D”.

Ito na ang pangalawang solo single ng singer na ilalabas sa Setyembre 29.

Kasama niya sa nasabing kanta ang American rapper-singer na si Jack Harlow.

Magugunitang noong Hulyo ay naglabas ito ng kanta na “Seven” kasama ang rapper na si Latto.

Pumatok ang kanta ng 26-anyos na singer kung saan nanguna pa ito sa Billboard Hot 100 at naging number 3 sa UK Official Singles Chart.