-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni BTS member Jimin kay Hollywood actor Ryan Gosling matapos na bigyan siya ng gitara ni Ken ang bida sa pelikulang “Barbie”.

Ibinigay ng Canadian actor ang gitara na siyang gumanap bilang si Ken na partner ni “Barbie” sa pelikula bilang pasasalamat matapos na gayahin niya ang suot ng K-pop star sa “Permission to Dance” costume.

Magugunitang noong Hulyo 20 ay naglabas ng video ang actor na suot na kahalintulad na isinuot ni Jimin sa nasabing 2021 hitsong ng grupo.

Ayon pa sa actor na hindi talaga siya marunong maggitara kaya mabuting ibinigay na lamang ito sa singer.

Sa social media account naman ng singer ay labis naman ang pasalamat nito sa actor dahil sa ibinigay niyang gitara.