-- Advertisements --

Ilalabas sa buwan ng Hulyo ni BTS member Jungkook ang kaniyang unang solo digital single na “Seven”.

Ayon sa BigHit Music na ilalabas ang nasabing kanta sa Hulyo 14 dakong 12 ng tanghali oras sa Pilipinas.

Ang nasabing kanta aniya ay isang uri ng summer song na nagpapakita ang pagiging kabigha-bighani ng Korean singer.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nakipag-collaborate ito sa singer na si Charlie Puth sa kantang “Left and Right”.

Una na siyang naglabas ng kantang “Dreamers” na ginamit sa FIFA World Cup 2022 kung saan kinanta niya ito sa opening ceremony na ginanap sa Qatar.