-- Advertisements --

All set na ang inaabangang comeback concert ng BTS na “BTS The Comeback Live | Arirang” sa Gwanghwamun Square sa Seoul, South Korea ngayong Sabado, March 21, 2026.

Bago ang most-awaited comeback concert, ipinasilip ng kanilang music label na Bighit Music ang concert stage kung saan magpe-perform ang pitong miyembro ng BTS na sina Jin, Suga, RM, J-Hope, V, Jimin at Jungkook.

Mapapanood ang livestream nito nang eksklusibo sa kilalang streaming app mamayang gabi, alas-siyete (Korean time) habang alas-sais ng gabi dito sa Pilipinas.

Ito ang kanilang unang reunion concert matapos ang ilang taon.

Inaasahang dadagsain ng mahigit 200,000 BTS fans na ARMYs ang venue.

Inaasahan ding ipagdiwang ng BTS sa kanilang combeback concert ang release ng kanilang pinakabagong studio album na “Arirang,” na inilabas lamang kahapon, Biyernes, Marso 20, ang unang album ng grupo makalipas ang halos apat na taon.

Ayon naman sa Finance Minister ng South Korea na si Koo Yun-Cheol na inaasahang makakalikom ng “trillions of won” ang live performance ng K-pop supergroup sa ekonomiya ng bansa.