-- Advertisements --
Sisimulan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbebenta ng special P10,000 at P500 commemorative coins para sa pagdiriwang ng kanilang 70th anibersaryo.
Mabibili sa halagang P127,000 ang P10,000 gold coin habang P3,500 ang presyo ng isang P500 silver coins.
Paglilinaw pa ng BSP na ang nasabing mga coins ay hindi puwede gamitin sa pagbili ng produkto.
Ang sinumang aniyang interesadong bumili ng commemorative coins ay maaaring maglagay ng kanilang order sa pamamagitan ng email anniversarycoins@bsp.gov.ph o kaya bumisita sa BSP website.