-- Advertisements --
Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gumamit ng digital platform sa pagbibigay ng mga aginaldo sa kanilang mga inaanak o mahal sa buhay ngayon panahon ng kapaskuhan.
Ayon sa BSP, na ito ang mabilis at ligtas na paraan para mapasaya ang mga mahal sa buhay.
Dagdag pa ng BSP na samantalahin dapat ito ng publiko ang iba’t-ibang uri ng online money transfer.
Isa aniya itong pangunahing programa ng BSP ang pagsusulong ng digital payments sa bansa.









