-- Advertisements --

Nananatiling buo ang commitment ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mapanatili ang balanse sa pagbibigay nang sapat na stimulus sa ekonomiya habang iniiwasan ang pagsirit ng inflation rate.

Sinabi ito ni BSP Governor Benjamin Diokno bago pa man ang kanilang monetary policy-setting metting sa darating na Huwebes, Pebrero 17.

Ayon kay Diokno, sa pamamagitan nang “accommodative” monetary policy at “extraordinary” measures ng central bank ay natiyak ang pagkakaroon ng sapat na liquidity sa financial system.

Dahil dito, gumulong aniya ang domestic economic activity sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic

Sa ngayon, sinabi ng BSP na ang liquidity-easing measures nila bilang tugon sa pandemya ay umabot na sa P2.3 trillion o nasa 12.03 percent naman ng gross domestic product (GDP_.

Magugunita na noong 2021, napantili ng BSP ang benchmark barrowing rate sa bansa sa 2 percent para masuportahan din ang pagbangon ng ekonomiya.

Ang bahagyang pagtaas anila sa inflation ay “transitory” lamang kasunod nang 4.5 percent inflation average noong nakaraang taon gamit ang 2012 base year pero kung ang 2018 ang gagamiting base year, ang inflation ay pumalo lang sa 3.9 percent o pasok sa 2 hanggang 4 percent target range.