-- Advertisements --
Nagkasundo ang tinaguriang Global Coalition na binubuo ng 83 mga bansa na ipupursige nila ang paglipol sa grupo ng Islamic State- Kohrasan na siyang umamin sa madugong pag-atake sa Kabul airport.
Ayon sa statement ng US State Department, magsasama-sama ang Global Coalition at gagamitin ang lahat ng puwersa upang lipulin at tuntunin ang mga nasa likod ng naturang “brutal terrorist organization.
Kahapon lamang sunod-sunod na nagpakawala ng rockets ang ISIS sa Kabul pero na-intercept ito ng anti-missile system ng Amerika.