-- Advertisements --
image 121

Patuloy na makikipagtulungan ang bansang Brunei sa pagsisikap na matiyak ang kapayapaan at katatagan ng koneksyon nito sa Pilipinas.

Ayon kay Sultan Hassanal Bolkiah, titiyakin nila na matatag ang namamagitan sa Pilipinas at Brunei para sa pagkakaisa at pagbabago sa pagpupulong na naganap sa ika-41 ASEAN Summit at mga kaugnay nito.

Kinilala ni Pangulong Marcos ang papel na ginampanan ng Brunei Sultanate sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao na nagpatuloy sa kabila ng pandemya ng COVID-19.

Matatandaan na ang Brunei ay miyembro ng International Monitoring Team at ang independent decommissioning body sa nasabing peace process.

Pagkatapos ay ipinaalam ni Marcos kay Bolkiah na ang isang parliamentaryong halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay gaganapin pa sa 2025.

Pinuri naman ni Bolkiah si Marcos sa kanyang pagsisikap na makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa BARMM.