-- Advertisements --
Hindi umano basta-basta pakakawalan ng Brooklyn Nets ang kanilang veteran superstar na si Kevin Durant sa kabila ng paghahangad nito na lumipat na sa ibang team.
Una nang lumutang isyu na ninanais daw ni Durant na lumipat sana sa Phoenix Suns o kaya sa Miami Heat.
Ito ay sa kabila na ang 12-time All-Star at dating MVP ay meron pang apat na taon na natitira sa $198 million sa kanyang kontrata.
Gayunman sinasabing ang mga top executives ng Nets ay hindi nagmamadali na mailipat si Durant.
Kailangan daw na makahanap din umano ng magandang deal ang Brooklyn bago bitawan sa trade si Durant.
Sa ngayon hindi pa raw agad-agad na maisasagawa ang pag-trade kay Durant dahil baka kailangan din ang tatlo o apat na trade partners para maisakatuparan ito.