-- Advertisements --

Marami pa ring mga observers ang nakatutok ngayon sa Brooklyn Nets kung kikilos na ito upang bitawan ang kanilang mga superstars na sina Kyrie Irving at Kevin Durant.

Lumutang ngayon ang isyu na posibleng malipat ang point guard na si Irving sa Los Angeles Lakers.

Gayunman, hindi umano basta-basta pakakawalan ng Nets si Irving kapalit ni Russell Westbrook kasama ang dalawa pang first round picks.

Sinasabing ang hinahanap umano ng Brooklyn kung sakaling matuloy na malipat si Irving, ang dapat daw katumbas nito ay isa ring established player na agad na magbibigay ng malaking impact sa kampanya ng team.

Ang kalidad umano ni Westbrook na isang dating MVP ay medyo humina na kaya mahihirapan daw ang isyu ng buyout candidate at maging kabilang siya sa “potential deal.”