-- Advertisements --
Pumanaw na ang isa sa Broadway star na si Chita Rivera sa edad na 91.
Kinumpirma ng anak nitong si Lisa Mordente ang pagpanaw ng ina sa bahay nito sa New York matapos na magkasakit.
Ang Tony-award winning entertainer ay kilala sa tagumpay nito sa teatro na tumagal ng pitong dekada.
Sumikat ito sa mga ginampanan ng role bilang si Anita sa “West Side Story” at Rose sa “Bye Bye Birdie”.
Isinilang noong 1933 sa Washingto D.C kung saan ang ama nito ay isang Puerto Rican at Scottish naman ang Ina.
Nagsimula ang kaniyang Broadway career noong 1950 at noong 1957 ay naging bahagi siya ng orihinal na West Side Story.