-- Advertisements --
Sumabak na rin sa politika ang broadcaster na si Raffy Tulfo matapos na maghain kanina ng kanyang COC sa Comelec.
Tatakbo siya sa pagkasenador bilang independent kung saan pangunahin daw niyang magiging adbokasiya ay ang isyu sa mga manggagawa at sa OFW.
inamin din nito na na nilapitan din siya ng kampo ng Lacson-Sotto at Pacquiao pero tinanggihan niya upang hindi raw matali ang kanyang loyalty sa isang party.
Kung maalala ang ACT-CIS ay ang party list ng mga Tulfo brothers kung saan may tatlong seat ito sa Kamara.
Ang kanilang partylist second nominee ay si Jocelyn Pua Tulfo na misis naman ni Raffy.