-- Advertisements --
Nagpasya si pop icon Britney Spears na hindi na ito babalik sa music industry.
Sa kaniyang social media account, pinabulaanan niya na mayroon itong bagong album na ilalabas.
Ganun pa man ay hindi niya isinasara ang kaniyang pintuan para sa bagong musika.
Kasabay din nito ay ibinunyag niya na gumagawa siya ng mga kanta para sa ibang mga singers.
Itinanggi rin ng singer ang usapin na hindi ipinaalam sa kaniya ang pagpapalabas ng kaniyang libro na “The Woman in Me”.