-- Advertisements --
Inalok ni British Prime Minister Boris Johnson na bigyan ng libreng pagsasanay ang mga sundalo ng Ukraine.
Sa kaniyang surpresang pagbisita sa Ukraine sa pangalawang pagkakataon, ipinagmalaki nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na kaya ng kaniyang bansa na sanayin ang nasa 10,000 na sundalo nito kada apat na buwan.
Maibabahagi sa kanila aniya ang kung paano magwagi sa isang giyera ganon din ang medical training, cyber-security at counter-explosive tactics.
Kapag nagkaroon aniya sila ng pagsasanay ay mahihirapan ang Russia na kubkubin ang Ukraine.
Tiniyak din ni Johnson na kasama ng Ukraine ang UK.