-- Advertisements --

Hiniling ng British punk band Chumbawamba sa mga pulitiko ng New Zealand na tigilan na ang paggamit ng kanilang kanta.

Tinutukoy ng grupo ang paggamit ni Deputy Prime Minister Winston Peters sa political convention ng kanta ng grupo na “Tubthumping (I Get Knocked Down)”.

Ayon sa singer ng grupo na si Dunstan Bruce na hindi sila sumasang-ayon sa mga ipinaglalaban ni Peters.

Giit nito na ayaw nilang mahanay ang kanilang pangalan sa anumang pulitiko.