CAUAYAN CITY – Nagpositibo sa COVID-19 Rapid Anti Body Test ang isang Barangay Liaison Officer ng Barangay Rosario, Santiago City.
Kinumpirma ni Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng lungsod ng Santiago, sa ipinadalang isang text message sa Bombo Radyo.
Ayon kay Manalo, kabilang ang naturang barangay officer sa humigit kumulang 50 barangay officials, barangay police at volunteers ng Barangay Rosario na sumailalim sa COVID-19 rapid test.
Kaagad na dinala sa Quarantine Facility ng Lungsod ang nagpisitibong barangay liaison officer para kanyang isolation.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Rodolfo Soriano, ninabi nitong masigla at wala namang kakaibang nararamndaman ang kasamahan nilang nagpositibo sa COVID-19 rapid test.