-- Advertisements --
Claudio Silva
Clauvino da Silva.

Natagpuang patay sa kaniyang selda ang inmate sa Brazil ilang araw matapos na ito ay nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pag-disguise.

Ayon sa ilang prison officials ng Rio de Janiero, nagbigti sa loob ng kaniyang selda ang convicted drug dealer na si Clauvino da Silva.

Hinatulan ang 42-anyso na si Silva ng 73 taon at 10 buwang pagkakakulong dahil sa drug charges.

Magugunitang nitong nakaraang araw nagtangka itong tumakas matapos na mag-disguised at nagpanggap bilang 19-anyos na anak nitong babae.

Nagsuot ito ng silicone mask at mga damit na pambabae.

Hindi ito nakalusot sa mga prison officials matapos na makita ito sa CCTV.

Una ng nagtangkang tumakas si Silva noong 2013 sa pamamagitan ng pagdaan sa drainage system subalit ito ay naaresto matapos ang ilang buwan.