-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Patay na ng matagpuan ang isang 24-anyos na babae sa loob ng pawnshop na pinagtatrabahuhan sa Mabini St. kalibo, Aklan.

Mismong ang guwardiya at katrabaho ng biktima na papasok na sana sa trabaho ang nakadiskubre sa bangkay ni Bonna Herchia Ambay, residente ng Nauring, Pandan, Antique.

Base sa report, nagulat na lamang ang kanyang mga katrabaho nang bumungad sa kanila ang duguang biktima na nakahandusay sa sahig.

Nakitaan ito ng ilang tama ng saksak sa katawan at kamay na posibleng defense wound.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa ang naka-duty na gwardiya na kasama ng biktima kahapon na malaking palaisipan ang pagliban ngayong araw.

May natukoy nang person of interest ang pulisya at nagpapatuloy ang imbestigasyon.