-- Advertisements --

Ipinagpatuloy ng Nicaragua ang kanilang boxing event kahit mayroong nagaganap na coronavirus pandemic.

Sa ginanap na boxing event sa Managua, nakasuot ng sporting face masks ganun ang referees, judges, media, fans at mga ring girls.

Pinayagan ang mga boksingero na alisin ang kanilang protective mask para lumaban habang ang mga nanood ay inutusan na mag-disinfect ng kanilang mga kamay at ganun din ang mga sapatos.

Pinatupad din sa boxing event ang social distancing sa mga upuan ng mga nanonood.

Pinayagan kasi ng mga otoridad sa Nicaragua ang pagsasagawa ng sporting events gaya ng footbal at boxing.