-- Advertisements --

Magdadagdag ng tauhan ang Bureau of Quarantine sa harap nang patuloy na mabilis na pagsiriti ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay BOQ Senior Medical Officer Dr. Neptali Labasan, inaprubahan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang request nilang kumuha ng mas marami pang kawani.

Nabatid na noon pang 2020 unang umapela ang BOQ sa national government na payagan silang magdagdag ng tauhan dahil sa dami ng trabaho na kanilang hinahawakan sa ngayon na may kaugnayan sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang sinabi ni BOQ deputy director Dr. Roberto Salvador Jr. na sa halip na madagdagan ang kanilang kawani, nabawasan pa nga aniya ang workforce nila.