KORONADAL CITY – Ibinahagi ng mga volunteer reporters ang kanilang masaya at “challenging” na naranasan sa ginanap na May 13, 2019 midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Abegail Cadellino, malaking hamon aniya na makapanayam ang mga matataas na Commission on Elections officials sa South Cotabato.
Gayunman, dream come true rin nito na maging isang volunteer reporter dahil pangarap nitong magtrabaho sa Bombo Radyo.
Ayon naman kay Jeffrey De Ala, mas pinili nitong maging Bombo volunteer sa halip na magsilbi sa mga kandidato noong eleksyon dahil nakatulong siya sa mga botante upang ipaabot ang kanilang concerns noong halalan.
Dagdag naman ni Cesar Ian Aracena, hindi ito makapaniwala na nalampasan nito ang kaniyang takot na magsalita sa publiko at nadagdagan din ang kumpiyansa nito sa sarili kung saan naging proud ang kaniyang pamilya sa kaniyang naging performance bilang volunteer reporter noong eleksyon.