-- Advertisements --
Bombo GenSan shooting
Bombo GenSan shooting / FB image

GENERAL SANTOS CITY- Nabasag ang salamin ng himpilan ng Bombo Radyo General Santos matapos na paputukan ng hindi pa kilalang suspek.

Pasado 8:30 gabi ng Miyerkules ng pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek lulan ng isang pulang pick-up truck ang Bombo Radyo Gensan Broadcast center.

Tinamaan ang entrance crystal at tumagos sa recording room at duon narecover ang deformed slug na hindi pa malaman na kalibre ng baril.

Kaagad namang pinaputukang ng nakatalagang security personnel nitong himpilan subalit mabilis na nakatakas ang hindi pa nakilalang suspek.

Nagpadala na ng mga kapulisan ang Bula Police Station para imbestigahan ang pangyayari.

Isa sa tinitignan na motibo ay ang mainit na diskusyon ng himpilan sa paksa sa pagpasara sa Kabus Padatuon ni PastorJoel Apolinario.