-- Advertisements --

Nagawa ng Indiana Pacers na makaladkad ang laban nila sa New York Knicks para sa Eastern Conference hanggang sa Game 7.

Bagama’t maagang nakalamang ang Knicks sa unang quarter, nabigo naman silang mapanatili ang momentum nito.

Mabilis na nabawi ng Pacers ang kalamangan pagpasok ng second quarter na itinuloy nila hanggang sa huling bahagi ng laro.

Dahil dito, nagtapos ang laban sa score na 116 to 103 pabor sa Indiana at nagresulta sa 3-3 ang marka para sa best of sevel series.

Gumawa si Pascal Siakam ng 25 ponts, si Tyrese Haliburton naman ay may 15 points at nine assists.

Habang nasayang naman ang ambag ng Knicks players para sana sa halos abot-kamay na nilang tagumpay sa Eastern Conference.