-- Advertisements --

Naiwasan ng Meralco Bolts ang panibagong pagkatalo matapos ilampaso ang Blackwater 105-96 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newscome na nagtala ng 22 points para makamit ang unang panalo sa tatlong laro.

Mula sa simula ay dominado ng Bolts ang laro kung saan umabot pa sa 24 points ang kanilang kalamanga.

Pinuri ni Meralco coach Luigi Trillo ang kaniyang manlalaro dahil sa hindi nila hinayaan na matalo pa sila.

Hindi naman umubra ang nagawang 34points ni Sedrick Barefield at 22 points ni RK Ilagan para sa Blackwater.