-- Advertisements --

Pinagsabihan ni Bollywood star Salman Khan ang mga fans na maging kalmado sa panonood ng kaniyang pelikula.

Ito ay matapos na ilang fans ang nagsindi ng fireworks sa loob ng sinehan habang ipinapalabas ang pelikula nitong “Tiger 3”.

Agad namang inapula ng mga otoridad ang nasabing fireworks para hindi na magkaroon ng pinsala pa.

Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung paano nakapasok sa Mohan Cinema sa Malegaon Chhavni area ang nasabing fireworks.

Dagdag pa ng mga otoridad na maaring nasabik lamang ang mga fans ng makita ang paglabas ng actor sa sine.