Aminado ang Filipino-American head coach ng Miami Heat na hindi nila nagustuhan ang naging resulta ng pagkatalo nila sa Game 4 matapos silang ilampaso ng Boston Celtics, 102-82 sa Eastern Conference finals.
Ayon kay Spoelstra kung nagawa ng Boston ang blowout win, kaya din daw nila itong gawin ng Miami.
Kung maalala mula noong Game 1 ay nagpalitan ng panalo ang dalawang koponan.
Sinabi ng Fil-AM coach, sadyang ganito talaga ang playoffs lalo na at ang dalawang magkaribal na teams ay halos parehong malakas at magaling sa depensa.
Ang Game 5 ay gagawin sa homecourt ng Miami sa Huwebes, habang ang Game 6 ay balik sa Boston.
Para naman sa Celtics star na si Jayson Tatum ang Game 5 ay isang “must win situation” at hindi pupuwedeng mag-relax muli sila.