-- Advertisements --
deped1

Ipatutupad ang blended learning sa elementary at secondary public schools sa darating na Oktubre 5, Oktubre 31, at Nobyembre 3, 2023.

Ito ay ang iniatas ng Department of Education sa lahat ng mga pampublikong paaralang kanilang nasasakupan upang magbigay-daan sa pagdiriwang at pagdaraos ng World Teacher’s Day at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Sa inilabas na memorandum order ng naturang kagawaran ay kabilang sa naturang kautusan ang lahat ng mga in-person classes sa mga public elementary, at secondary schools, kabilang na ang community learning centers ng Alternative Learning System.

Ayon sa DepEd, layunin nito na mapahintulutan ang mga guro na makiisa sa mga gaganaping aktibidad para sa World Teacher’s Day sa October 5, at upang mabigyan din ang mga ito ng sapat na panahon upang makumpleto ang kanilang mga election-related duties para sa BSKE sa Oktubre 30, 2023.