-- Advertisements --

Ititigil na ng Blackpink members na sina Jisoo, Jennie, Rose at LIsa ang kanilang solo activities sa kanilang orihinal na label na YG Entertainment.

Ayon sa nasabing agency ng grupo na ang pagiging solo lamang ang hindi nila itutuloy subalit itutuloy nila ang pagiging isang grupo.

Nitong Biyernes ay kinumpirma ng YG na hindi na pumirma ng kontrata ang bawat miyembro.

Magkagayon man ay sinabi ng kanilang agency na magpapatuloy silang suportahan sina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa kung ituloy nila ang kanilang solo career.