-- Advertisements --
Muling nagtala ng record si Blackpink member Lisa.
Ito ay matapos na makamit ang mahigit na 100 milyon followers sa Instagram.
Siya lamang ang unang K-pop artist at unang babaeng Asian artist na nakakamit ng nasabing record.
Magugunitang kinilala siya bilang first solo K-pop winner sa MTV Video Music Awards at MTV Europe Music Awards.
Siya rin ang unang babaeng K-pop solo artist na nakalagpas ng isang bilyong Spotify streams sa kanta niyang “Money”.