-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Korean girl group na Black Pink ang kanilang karagdagang petsa ng kanilang concerts sa US.

Base sa orihinal na plano ay magtatanghal ang grupo ng 10 beses sa pitong lungsod ng kanilang North American leg ng kanilang world tour.

Idinagdag nila ang Dallas sa Oktubre 25 at Los Angeles habang ang huling tour ay sa Nobyembre 19.

Dahil sa dagdag na petsa ay makakaakit ito ng dagdag na 1.5 milyon na concertgoers sa kabuuan.

Magsisimula ang grand tour sa Seoul sa Oktubre 15 at iikot din ang mga ito sa Europe, Asia at Oceania.