-- Advertisements --

Naniniwala si Kimberly Hakenson na mananatili ang pagkinang nito sa kabila ng kabiguang masungkit ang Miss Universe-Philippines (MUP) crown.

Ayon sa flight attendant mula Silang, Cavite, siya ang pinakamasayanhg fourth runner up lalo’t hindi niya inasahan na makapasok sa Top 5.

Malinaw aniya na target naman ng lahat ng sumali sa kanila ang million worth of crown pero mas makabuluhan na nagkaroon ito ng boses sa kanyang MUP journey.

Cavite MUP runner up bonds with Rabiya

Bakas naman sa mga post coronation pictures nito na kabilang siya sa mga nakasama pa ng Ilongga grand winner na si Rabiya Mateo.

Makakaasa daw ang kanilang bunso na poprotektahan at tutulungan ito sa pagiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020.

Kung maaalala, isa sa mga nagpa-agaw pansin kay Kimberly o nagpakilala bilang si Billie, ay ang pag-amin nito na siya ay bisexual o yaong nagkakagusto sa lalaki at kapwa babae.