-- Advertisements --

MANILA – Itinuturing na blessing ng actress/host na si Heart Evalengista na birthday gift ang kanyang billboard na lumabas ngayon sa sikat na New York Times Square.

Sa isang online post, makikita ang larawan ng billboard advertisment ni Heart habang imino-model ang luxury bag ng award-winning designer na si Ia Faraoni.

“Waking up to my 2nd billboard on time square NY! Such a blessing on my birthday!!! 🙂 grateful!,” saad ng 36-year old influencer.

Kung maaalala, una nang lumabas si Heart, o Love Marie Ongpauco-Escudero, sa isa ring Ia Faraoni-billboard noong Enero sa Times Square.

Noong nakaraang taon, napasama si Heart sa Top 10 “most fashionable influencers in the world” ng Forbes France.

Happily married ang tinaguriang “fashion icon” kay dating senador at ngayo’y Sorsogon Gov. Chiz Escudero.