-- Advertisements --

Sisimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na maglagay ng mga tax stamps sa mga vape products sa susunod na linggo.

Sinabi ni Atty. Venus Gaticales, Chief of the BIR Excise Large Taxpayers Field Operations Division, na ang hakbang na ito ay gaya rin na ginagawa nila sa mga paglalagay ng tax stamps sa mga imported na sigarilyo.

Tintiyak nito na magiging istrikto ang gobyerno sa pag-implementa ng bagong Vape Law para sa proteksyon ng mga bata ganun din ang pagtaas sa mga tax collection.

Sa nasabing bagong vape law na ipapatupad simula sa buwan ng Hunyo ay umaas itong madadagdagan ang kanilang kita na nakukulekta.