Inanunsyo na ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) na itutuloy nito ngayong taon ang mga aktibidad para sa Binibining Pilipinas.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng naturang organisasyon ang isang video na nagpapakita sa mga dating nanalo, kasama na rito sina Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong at Miss International 2016 Kylie Verzosa.
“We know you’ve been waiting for this,” saad ng organisasyon. “The search for beautiful, empowered, and inspiring Filipinas returns this 2021 in the country’s most prestigious and much-awaited pageant!”
“Get ready to relive the excitement as we get to know and crown our next set of beauty queens in a ‘new normal’ setting at the Binibining Pilipinas 2020/2021,” dagdag pa nito.
Sa pagbubukas ng Binibining Pilipinas ngayong taon ay ilulunsad ng BPCI ang national costume photo exhibit sa Gateway Mall sa Enero 22 hanggang 30, habang sa Pebrero 1 hanggang 14 naman sa Ali Mall.
Ipapakita rito ang mga kandidata suot ang kanilang kakaibang costumes.
Kahit nawala na sa BPCI ang franchise nito sa Miss Universe noong 2019, si Gazini Ganados ang pinakahuling Bb. Pilipinas Universe na na nanalo ng korona. Sa kabila nito ay tuloy pa rin ang Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental at ang Grand International beauty pageants.