-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ng Pinay group na BINI matapos na umabot sa mahigit 2 milyon streams ang bago nilang kanta na “A Parallel World” sa Spotify.

Sa kanilang social media account ay inanunsiyo nila ang nasabing magandang balita.

Sinabi nila na isinulat nila ang kanilang hiling sa buhangin at ito ay natupad.

Ang nasabing kanta ay inilabas ng grupo noong buwan ng Hulyo.

Magugunitang nitong nakaraang Lunes ay umuwi sa bansa ang grupo matapos ang isang buwan na mga shows sa abroad.