-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang binata matapos saksakin ng menor de edad na suspek sa Brgy. Democracia, Jaro, Iloilo City, sa bisperas ng Pasko.

Ang biktima ay si Neil Gulmatico,18, residente ng Benedicto, Jaro, Iloilo City at ang pinaniniwalaang sumaksak ay isang 14 anyos na binatilyo na residente ng Veterans Village, Iloilo City Proper.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Corporal Joenar Panes, imbestigador ng Jaro Police Station, sinabi nito na kakain lamang sana sa lugawan ang biktima kasama ang mga kaibigan nito nang biglang may binato sila ng bote ng isang grupo ng kalalakihan.

At doon na nangyari ang komosyon kung saan sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang dibdib gamit ang ice pick.

Dinala pa ito sa ospital ngunit binawian ng buhay.

Patuloy pa pinaghahanap ang menor de edad na tinuturong sumaksak sa biktima.