CAUAYAN CITY – nadakip sa isang Drug Buybust Operation ng pinagsanib puwersang tanggapan ng PDEA Region 2 at Aritao Police Station ang isang high value target sa Bone South Aritao,Nueva Vizcaya
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan nakilala ang suspek na si Warren Markson Abubo, Alyas Mac Mac, binata,34 anyos, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar.
Sa pakikipagtulungan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Municipal Drug Enforcement Unit, Aritao Police Station at ng PDEA Region 2 ay nahuli sa aktong pagtutulak ng iligal na droga ang suspek sa isang pulis.
Naki-pagtransaksyon ang suspek bitbit ang anim na pakete ng hinihinalang shabu.
Dati nang nauugnay ang suspek sa mga iligal na transaksyon at aktibidad sa nasabing bayan ngunit naging mailap .
Kasalukuyan nang nakapiit sa Aritao Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dengerous Drugs Act of 2002).