CAUAYAN CITY- Namatay ang isang construction worker matapos na malunod sa irrigation canal sa Ramon, Isabela.
Ang biktima ay si Reynante Peralta, binata at residente ng Purok 4, Oscariz, Ramaon, Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Staff Sgt. Robertson Baingan ng Ramon Police Station na ang biktima ay nagtungo sa sementeryo upang tumulong sa paggawa ng nitso nang mamataan ang ilan nitong mga kakilila na naliligo sa irigation canal.
Lumusong din ang biktima sa tubig upang maligo at sa unang pagbagsak nito sa tubig ay nakita ng mga kaibigan na umahon pa ang biktima ngunit nabigla na lamang sila nagtaka nang hindi na limitaw sa kanyang paglangoy.
Dahil dito ay humingi na sila ng tulong at nakita ang bangkay ng biktima.
Pinag-iingat ng pulisya ang mga residente sa Ramon, Isabela na maging maingat lalo na sa mga hindi marunong lumangoy dahil sa malalim ang tubig sa irigation canal sa barangay Oscariz.